Tuesday, September 14, 2010

CHAPTER 13 ...

CHAPTER 13

            Pagpasok nila sa bulwagan ay sobrang dilim, hindi na gna nila maaninag ang daraanan tungo sa uupuan nila. Ang mga mister ay inalalayang ang kani-kanilang misis, siya naman ay sumunod na almang, ito yung mga pagkakataong sana kasama niya si James, panigurado di siya nito pababayaan.

Devon: bret, bat sobrang dilim? Pati sa stage walang ilaw?

Bret: I don’t know, lets go ! tayo na ang magpeperform.

            Inalaayan siya nito tungo sa stage, nakapwesto na sila pero di parin binubuksan ang ilaw.  Narinig niya si Ivan na sumenyas na sisimulan na ang tugtog gamit ang mga drumsticks nito.  Laking gulat niya nang ibang tugtog ang ginagawa ng mga kabanda, yung ang tinutogtog ng Excelsior 5 years ago.  “two is better than one” … na favorit niya sa lahat ng kinakanta ni James sa banda noon.

            Pero mas matindi ang pagkagulat niya ng marinig ang boses ng tunay na vocalist ng banda, napakalamig nun at swabeng-swabe.  Pero kahit anong hirap ng paghahanap ni Devon kung saan galling ang boses ay di niya ito mahanap.  Isama pa ang pagkalito’t kabang nadarama niya.

            “cause everything you do and words you say, you know that it all takes my breath away and now im left with nothing …”

            Narining ni Devon ang pagtawag ni Ryan sa kanya hudyat na duet ang mangyayari sa kanta tulad ng orihinal na bersyon nito.  Kaya sinabayan niya ito kahit naguguluhan sa mga nangyayari.

            “maybe its true , that I cant live without you ..”

            Dama ni Devon na malapit lamang sa kanya ang tinig, rinig niya ang impit antili ng audience, pilit na kinakalma ang mga sarili upang walang ingay na magawa.  Pra bang sadyang mga boseslamang nila ni James ang nais marinig sa bulwagan.

            Malapit nang matapos ang kanta, pero di parin niya maaninag kung nasaan ito.  Kahit malakas ang speaker at tanging boses nilang dalawa ni James ang nangingibabaw ay rinig ni Devon ang bawat pintig ng kanyang puso.  Kaya’t di na siya nakatiis, at sa huling verse ng kanta ay di na siya umawit at nagsalita gamit parin ang mic.

Devon: James? Asan ka?

            Ngunit walang sumagot, at unit-unting inilawan ang bawat sulok ng bulwagan.  Manghang mangha si Devon sa nakikita, sa bawat sulok ng hall ay mga larawan niya ang naka-disenyo rito. Napakarami, di lamang isang libo kung bibilangin … kahit ang ceiling ay mukha niya ang mural na naroroon. Ang mga larawan niya’y pawang mga stolen and candid shots.  Mga larawan niya sa loob ng nakaraang limang taon. Paglingon niya sa stage ay nagiisa na lamang siya, hait mga instrumento ay wala na ron. Ang dingding ng entablado ay mukha niya rin ang nakapinta, ito ang larawan niya na nasa wallet noon ni James.

James: sorry, our house isn’t enough to post all you pictures so I extend it here, at your auditorium.

            Napalingon si Devon, nasa harapan na niya si James ngayon at nagsasalita gamit ang lapel mic nito.

PAK!
            Napa-ouch ang audience kasama na si James matapos intong hampasin ni Devon sa braso.

Devon: ano to? Anong ‘your auditorium’?

            Manghang tanong niya riot, ngunit bakas sa kanya ang labis na kaligayahan na nasa harapan niya ang lalaking pinkahihintay.

James: it still hurts ( sabay himas sa nahampas na braso) .. but anyway, this hall . its yours, I named it after you, didn’t you notice it outside. Its now Denise Veronica dela Serna …  Rod hall.  And these, I didn’t capture all of it, but I have my hired photographers everywhere sneaking pictures of yours wherever you are.

            Hindi nakapagsalita si Devon. Gulat na gulat siya  oo, pero mas nangibabaw ang kagalakang nadarama.  At mahinang inulit ang sinabi ni James ..

Devon: Denise Veronica dela Serna …Rod …

            Maya-maya pa’y pumatay ulit ang mga ilaw at tanging spotlight sa kanilang dalawa ang liwanag sa bulwagan.

James: Devon, I know that for sure, everyone in here thinks that im totally insane after what I did in this hall.  I know, you too think that I already am.  Yes, I must admit, I am crazy, really crazy over you.  I cant ge enough of you, I wanna see you everywhere, I wanna feel you , for five long years , I did my best not to loose my sanity whenever I think of you. And now, I cant wait any longer .. Devon ..

            At lumuhod itosa harapan niya, inilabas sa bulsa nito ang isang crystal box at binuksan.  Offering a multi-million diamond engagement ring to her.

            Sa dilim, nakita niya ang mga larawan na unti-unting nagiilaw at nabubuo ang gawat salita sa iba’t ibang parte ng bulwagan one at a time ..

 Unay sa may kanang bahagi ..
            Denise Veronica dela Serna,

Sa kaliwa,
            If I am a prince, Would you be my princess?

Sa may pinto,
            Devon … Honey,

Sa may ceiling,
            Would you be MRS. JAMES ROD?

And lastly, sa may entablado, animo’y sinusulat ito unti-unti, cursively…
            Will you marry me?

James: the corners of this hall said it .. but I’ll ask you again …
            Denise … my Devon.. Will you marry me?

            Hindi alam ni Devon ang sasabihin, sunod-sunod ag pagtango at napasigaw ng yes ! nagpalakpakan ang lahat ng tao sa hall.  Nang isuot ni James ang singsing kay Devon ay napalitan ang mga salita sa lahat ng sulok, ngayo’y  I LOVE YOU FOREVER na ang naroroon.  Sa sobrang kagalakan ay niyakap ng mahigpit ni James ang dalaga at binuhat, itinaas naman ni Deovn ang dalawang paa, doon siya inikot-ikot  ng binata.   Nagliwanag muli ang paligid at nakita ni Devon na naroroon ang lahat ng taong importante sa kanila ni James, mga mga magulang niya. Ang ina ni James , at ang mga kaibigan nilang kailnamay di sila pinabayaan.  Kitang kita sa mga ito ang labis na kasiyahan para sa dalawang taong matagal ang hinintay para upang magkasamag muli …

            Hinalikan siya ni James sa labi at naghiyawan ang lahat …

James: I love you Devon! I love you forever! I love you !i love you!

Devon: RIN!

            Nagtawanan silang dalaw at hinalikan muli ni James sa labi si Devon at pinatay ang lapel mic nito.

Devon: mahal na mahal kita James.

James: I’ll take care of you foever! I’ll protect you till the day I die.  And I’ll love you more each day of my life.  I’ll love you eternally !

            
          Makalipas ang 3 buwan, naganap ang pinaka-engrandeng kasal sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagpagawa pa ng simbahan si James na pinasimulan nito bago pa ito tumugo ng Australia 5 years ago.  Malaki ito at maganda ang pagkakadisenyo, waring iniimbitahan ang lahat ng katoliko na pumasok at magsimba. Doon naganap ang pagiisang dibdib nina James at Devon. 

            Nagmerge narin ang dalawa sa pinkamalalaking kumpanya sa mundo.  Ngayon ganap na itong dela Serna-Rod empire.  And after 9 months of their happy marriage, ay naipanganak ni Devon ang malulusog na kambal nila ni James.  Fraternal twins, isang lalaki at isang babae, kapwa hawig sa mga magulang kaya’t gwapo’t magaganda. Pinangalanan nila itong JAEVON ang lalaki, at JADE ang babae. Pinagsama ang pangalan nilang magasawa.

***the end***

4 comments:

  1. wow!!!!!!!!!!!
    congats for writing a very great story!!!!!

    ReplyDelete
  2. ..wow!..xOo kyut..thnx xa paggawa nito.. :) and more power..xana marami ka pang gawing fanfic ng jaevon...

    ReplyDelete
  3. i loveeeeeeeeeeeeeeeeeeeee itttttttttttt!!!!!!

    sobrang ganda nito...di ako maka get over..

    your really talented..:) continue making people kilig...

    thanks :) :)

    ReplyDelete
  4. awwww.......... kilig
    thanks much...
    LOVE IT....

    ReplyDelete