Tuesday, August 31, 2010

Chapter 10

CHAPTER 10
            Nalinawan na si Devon sa mga nangyayari dahil matapos ng outing, sinadya siya ng ina ni Jamess ng minsang mag-isa siya sa student council bago ang bakasyon.

MomR: hindi ako matapobre iha, pero ina akong mas alam kung anong nakabubuti sa anank ko.  Hindi ko alam kung anong ginawa mo, hindi na ako kinausap ni James mula nang pinagsabihan ko siya a couple of months ago.  Pero masaya ako na sinusunod niya ang nais ko, dahil alam niya ang kaya kong gawin once na balikan ka niya at ipilit ang gusto niya.  You don’t deserve my son iha. He’s a Rod, the only heir of the Rod empire, nakukuha mo naman siguro ang gusto kong iparating sayo.

            Hindi lamang iilang beses na umuulit ulit ito sa tenga ni Devon.  Ilang araw na ba ang lumipas? 3 ? kung kaya’t 3 gabi na rin siyang lumuluha, matagal-tagal narin pala.  Pero nasasaktan parin siya sa sinabi nito at ang alaala kung pano siya titigan nito, di niya alam kung bakit, dahil di ito titig na nandidiri, mas angat sa mata nito ang poot at galit na di niya alam kung saan nito hinuhugot. Nang mga oras na iyon, nawala ata ang dila niya dahil ni isang salita ay walang namutawi kanyang mga labi.


Carol: anak, may problema ka ba?
            Malungkot na tumingin si Devon sa ina.
Dev: alam mo ma, kahit kalian, di ako nalungkot na hindi katulad ng kay James ang kaginhawaang mayroon tayo … ngayon lang.
Carol: sinasabi mo bang sana may kayamanan rin tayong ipagmamalaki sa mama ni James?
Dev: hindi naman ho sa ganon. Pero iyon kasi ang hinihingi ng kapalaran para lang mapag-isa ulit kami ni James.
Carol: hindi ko alam kay Lacey(pangalan ng ina ni James) pero di naman niya ugali iyon.  Pero kung ano pa man ang dahilan ng pagtutol niya sa inyo ni James, darating parin ang oras na malalaman ng lahat ang pagkatao mo Devon.
Dev: po ? …
            Hinawakan ni Aling Carol ang kamay ni Devon.  Makahulugan itong tinitigan.
Carol: birthday mo na sa susunod na buwan, malapit na ang matagal na naming  hinihintay ng papa mo.
Dev: kayo ni papa ? ano pong hinihintay?
Carol: bukas na bukas, uuwi na tayo sa papa mo.
Dev: uuwi ? saan po?
Carol: sa papa mo ..
Dev: kay papa? Eh diba nasa barko pa si papa? Kakakausap ko lang sa kanya kagabi , sabi pa nga niya nasa may  Europe daw sila at nagtatanong pa kung ano ba daw gusto kong pasalubong mula doon. Kayo talaga ni papa .. joker . ( at ngumiti narin pero napalis rin ng mapansing seryosong nakatingin sa kanya ang mama niya)
Dev: si mama naman, umaartista ka ha !
Carol: basta anak, alam kong maiintindihan mo rin ako. Hala sige, matulog na tayo!
…......

May 20, 2011 .. ang araw nang pagpapakilala ng business tycoon at hacienderong si Dexter de la Serna, ang nagmamayari ng dela Serna Empire, sa kaisa-isang anak na gaganapin sa ika-18 taong kaarawan nito sa hacienda dela Serna.

            Abalang abala ang lahat ng tao sa mansiyon ng mga dela Serna, habang si Devon naman, nakatitig lamang sa gown na susuotin niya mamaya sa okasyon.

MrdelaS: precious, may problema ba?
Dev: wala po papa, di lang ako makapaniwala.
MrdelaS: pasensiya ka na anak, kinailangan lang naming ng mama mo na protektahan ka, ayaw naming maulit ang pangyayarin noong first birthday mo.  We almost lost you.
Dev: akala ko talaga pa, na nakikibakasyon lang tayo sa haciendang ito mula pa ng bata ako tuwing sinasabi mong kakababa mo palang ng barko at dito mo gustong manatili habang nandito ka sa Pilipinas.  Yun pala, ikaw ang Mr. dela Serna na lagging naka-shades tuwing lalabas sa TV, magazines at newspapers. Papa ko pala ang dumaig sa MIB!

            At malakas na tawanan ang pumalibot sa malaki at magarang kwarto ni Devon, na kahit sa panaginip ay di niya naisip na magkakaroon siya.

            Kahit pa nga malayo silang mag-ina sa kanyang papa ay napaka-lapit niya rito.  Papa’s girl ika nga, wala kasi itong pinamintis na mahalagang okasyon sa buhay niya, lagi itong present.  Kahit pa nga nagdududa na siya sa totoong trabaho ng papa niya.
….
Fret: ano nang balak mo ngayon bess? After tonight, malalaman na ng mama ni James na hindi ka ordinaryong tao lamang.  Pareho kayo ni james na tagapagmana ng napakalalaking kompanya sa loob at labas ng Pinas, particulary in Australia.
Dev: hin ko rin alam bessy … kung totoo ngang dahil sa estado ng buhay namin ang dahilan ng pagtutol ni Mrs. Rod sa amin ni James, siguro naman, sapat na na isa akong dela Serna para mabago ang isip niya.
Fret: e di ba yun naman talaga ang dahilan…
Dev: hindi ko rin alam, ang gulo ee. Yung titig niya kasi sa akin, iba talaga, hindi pangma-mata sa kalagayan ko, parang may mas malalim pa siyang pinaghuhugutan.
Fret: hay nako bess. Ano pa man iyon, di naman niya mababago na anak ka ni tito Dex. 

            Tumigin ito sa orasan sa loob ng kwarto ng kaibigan.

Fret: its almost time bess. Baba na ako.  Malapit ka nang ipakilala ni tito, at aminin! Super ganda mo !!!!
Dev: thanks bessy! Ikaw rin kaya!

            At nagsimula na ngang umaandar ang oras papalapit sa panahong matagal nang hinihintay ng nakararami.

….

MrdelaS: alam kong matagal niyo nang hinintay ang pagkakataong ito, marami ang nagtatanong kung ano na nga ba ang nangyari sa aking kaisa-isang anak matapos samantalahin ng mga taong nais magpabagsak sa akin ang kasiyahan labing-pitong taon na ang nakalipas.  Matagal ko ring tiniis ang mawalay sa pamilya ko para lamang ihanda siya sa oras na ito.  Alam kong kaya niya nang harapin ang mundong ipinagkait ko sa kanya. Everyone! My only daughter, my precious one! Denise Veronica dela Serna !

            Iyon na ang hudyat ng pagbaba ni Devon sa grand staircase ng mansiyon.  Nangingiti siya di dahil sa nakikitang paghanga ng mga  bisita niya sa kagandahan at pagiging ismarteng pagbaba niya, kundi dahil sa pangalang mahigpit na ibinilin ng papa niya na gagamitin lamang niya sa mga importanteng dokumeno.  Noong una, di niya alam kung bakit Devon Seldiva ang sinanay ng mga magulang niyang kalakihan niyang pangalan kahit pa nga alam niya Denise Veronica siya.  In a small span of time, maraming bagay ang naliwanagan kay Devon, sa pagkatao niya at sa kanila ni James.
….
            Hindi naman maalis ang mga mata ni James sa screen ng TV dahil sa mga oras na iyon, napapanood niya ang live telecast ng pagpapakilala ni Mr. dela Serna sa unica iha nito.  At di siya namamalikmata, the Denise Veronica dela Serna was Devon Seldiva.  Pero unti-unting napapalitang ng mga ngiti ang nakangangang bibig ng binata dahil sa pagkagulat.

James: what now James Rod?... (kausap nito ang sarili) 

Monday, August 30, 2010

chapter 8-9 ...


*******CHAPTER 8***********
            Sunod namang sinalihan ni Devon ang dance synergy club ng university kung saan presidente si Kyra at ang bestfriend na si Fretzie ang VP. Nagsimula na ang foundation day ng eskwelahan, at ang dance synergy ay may pinaghandaang dance concert for a cause.  Major sponsor nila ang ama ni Ann kung kaya naman dumalo ito kasama ang excelsior band sa nasabing concert.

            Hindi inaasahan ng lahat na ang High Light ng sayawan ay nang lumabas na si Devon to do a sing and dance number. “te amo” na kanta ni Rihanna ang inindakan niya.  Mala ballroom na sexy dancing ang dating nito, medyo pinalitan lang ang lyrics na lalaki ang tinutukoy sa kanta.  Hiyawan ang lahat ng magsimula nang kumanta si Devon, isabay pa ang sobrang lapit sa isa’t isa na dance choreography ng partner niyang si Sam, isa sa mga hinahangaan pagdating sa pagsasayaw. 

            Si James naman, halos umaapoy na ang titig sa pares na tinitilian ng lahat ng nasa concert hall.  Di niya makayanan na grabe kung makayakap si Sam sa kanyang “nobya.”

James: WTF …
Bret: calm down man … its only a dance number.
Ryan: wow! I didn’t know she can dance rike a feathel brown by the wind.
Ivan: stop it James. If only looks can stab a man, Sam would probably be at the ER right now.
Ann: what were you talking about guys ?
Bret: nothing. Man thing …
Ann: ohh. Wow, is that really Devon Seldiva? She is so talented ! it gives me goosebumps. Really!
 *********************************************************************************************************
            Ilang araw pa lamang ang nakalipas mula nang naganap an gdance concert. Hindi par in magawang kausapin ni Devon si James upang liwanangin nito sa kanya ang totoong dahilan ang nangyari sa kanila.  Sa totoo lang, natatakot siya na baka ang isang gabi na iyon ay panaginip lamang. Pero ayaw  niyang bitawan ang katotohanang nadarama niya ang wagas na pagmamahal ni James sa kanya, hanggang ngayon.
            Bilang parte ng foundation anniversary ng EU ay nagkaron ng 3 nights outing ang buong univ. sa Pagudpud, Ilocos Norte.

            Pagdating sa lugar, malayo ang cabin ng accounting dep’t. ang cabin ng accounting students sa hotel kung saan naroon ang banda. Hindi kasi tinanggap ni Devon ang premyong pagiging vocalist ng E-band kaya di siya kasama ng mga ito.
Dev: Kailangan ko na siyang makausap.
Fret: matagal mo na dapat ginawa yan.
Dev: paano kung …
Fret: kung di mo marining ang gusto mong mapakinggan? Masasakatan ka, oo, pero mas magkakaroon ka ng dahilan para maka-move on ..
Dev: move on? Kahit kalian di ko magagawa yun. Dumating man ang araw na di na ako gaanong apektado sa kanya, yun ay dahil nasanay na ko sa sakit ..
Fret: bess…
            Gusto umiyak ni dev, pero pinigil niya iyon, sawang-sawa na siya. Dati rati naman, hindi siya iyakin, pero ng maghiwalay ang landas nila ni James, napapaluha siya sa bawat pagkakataong napagiisa siya.
 **********************************************************************************************************
James: I wanna see her ..
Ivan: magkikita kayo sa event mamaya, kakanta siya..
Ryan: tam si ivan, just wait James .
            Nanahimik na lamang si Bret, dama niya na sa iba ang nais ng  bestfriend niya, higit pa sa kagustuhan nitong makita si Devon.
 *********************************************************************************************************
Gulat na gulat si Fretzie ng mapagbuksan niya si Bret ng pinto.
Bret: I need you help ..
Fret: (natahimik sa presensiya ng matagal ng hinahangaan)
Bret: hey!
Fret: ha? Anong tulong?
Bret: James wanna talk to devon.  He just don’t have the courage.
            Nagplano na nga ang dalawa, at habang naguusap, pareho nilang napapansin na may nabubuo ring pagtitinginan sa kanilang dalawa.
Devon: asan nab a si Fret? Sabi niya sa may pool, ba’t wala pa siya?
James: Devon
Chapter 9
            Bigla namang napaligngon si Devon sa direksiyon ng boses.
Devon: buti naman nandito ka. (lahat na ata ng lakas ng loob ay inipin ni Devon para makapagsalita ng diretso)
James: you did great. (tinutukoy ang pagkanta sa event)
Devon: nagawa ko na, kaya kong gawin yung mga sinabi mo, ngayon … bakit James?
James: there are still a lot of things you can’t do ...
Dev: ano pa nga ba? San ka pa nga ba magaling? Ang magsinungaling? Ang manloko ? ang manakit ng damdamin ?
            Hindi naman umimik si James at malugnkot na tumitig sa tubig. Mali naman ang naging interpretasyon ni Devon sa inakto ni James.
Dev: ha! Oo nga naman! Ba’t di ko naisip!
James: what do you mean ?
Dev: tama ka, meron ka ngang kayang gawin, sa katyunayan, sobrang galling mo, at di ko kaya yon! Dahil malaki ang takot kong sumuong sa tubig.
James: (nakuha ang nais iparating ni Devon) no Devon … you don’t understand.
Devon: paano ko maiintindihan kung di mo ipinapaintindi …?
(at pumwesto na siya sa tapat ng pool, patalikod ditto)
Dev: kakayanin ko James! Kung ang mga bagay na di ko kayang gawin ang magpapalinaw ng nangyayari sa atin ngayon, kakayanin ko!
            At tuluyan na ngang nagpatihulog si Devon sa malalim na part ng pool.
            Maagap namang tumalon si James sa pool . hindi marunong magswimming ang dalaga, alam niya iyon at di niya mapapatawad ang sarili kung may di magandang mangyari kay Devon.
            Nahawakan na ni James si Devon ngunit nagpumiglas ito papalayo sa kanya.  Kahit si Devon ngaulat sa lalim ng pool, pero nagawa na niya,  kailangan niyang makaahon. Pinilit niyang itaas ang sarili at nakayanan nga nitong makaahon. Hingal na hingal si Devon na inakyat ang gutter ng pool.
            Punong puno ng galit at pag-aalala si James nang umahon ito at lumapit kay Devon.
James: you’re crazy!
Dev: you’re making me one James… see , I did it!
James: damn! Sa tingin mo ba ganon kadali yun!!! If it is, I wont let you move even a strand of your hair for us to be together! Cant you understand that!
            Tuluyan nang lumuha si Devon, napahagugul na siya,  nadurog naman ang puso ni James sa nasaksihan.  Niyakap niya ito ng mahigit.
James: gawd Devon! Never do that again. I’ll kill myself if something bad happens to you.
            Hindi na umimik si Devon at lalong napahagulgol sa dibdib ni James.
James: you don’t need to do anything. Just remember what I told you that night.
                        Kumawalana si devon sa pagkakayakap ni James sa kanya.
Devon: nung gabing yun, sinabi mong mahal mo ako.
James: I do, and I’ll always will…
Devon: ano to? Anong ginagawa mo?
James: hurting myself and the one you love the most just to protect her…
            Kitang kita ni James sa mata ni Devon na naguguluhan ito. Pero din a siya muling umimik, tumalikod na siya at nilisan ang lugar, naiwan naman si Devon na naguguluhan parin sa mga salitang binitawan ni James. 

fanfic Chapter 4-7 ...

CHAPTER  4
            Saktong ala-sais ng dumating si Deovn sa main building, at tulad ng pangako ni James, andoon siya’t masayang sinalubong si Devon.  Pagsakay ni Devon sa Blue Audi s5 ni James ay may isang bouquet ng white roses sa may passenger’s seat.
James: ahm, another peace offering?
Devon: di naman na kailangan eh. Pero thanky you ! [kilig naman]
            Nang nasa daan na sila,
James: where do you wanna eat?
Devon: kahit san.
James: ahmm. Ok, so what’s your fave dish?
Dev: ako? Siyempre yung BBQ na gawa ng mama ko.
James: Does it really tastes god?
Dev: oo naman!
James: alright! So where’s your way home?
Dev: ha? Bakit?
James: you have you BBQ satand in front of you house right?
Dev: pano mo nalaman? (napansin niyang patungo na sila sa lugar nila) atsaka, bakit parang alam mo papunta sa min?
James: sources, I guess?
Dev: (naalala ang sandamakmak na pictures ni James sa sala, banyo , kusina at kwarto niya) wait wait! Tawagan ko muna si mama, baka magulat yun!
James:  oh sorry if I didn’t told yeah earlier that I really wanna visit you house.
Dev: oo na ! oo na! itabi mo na muna ang sasakyan, tatawag ako.
James: you can call her while we’re on our way.
Dev: (nagpapanic na) ano ba james!
James: okkk . calm down, there you go.

            Agad lumabas ng kotse si Devon,.
Dev: diyan ka lang, wag kang lalabas!
            Nagmamadali siyang tumawag sa mama niya,
Carol: oh bakit ?
Dev: ma, naku ! alisin mo lahat ng ebidensya ng kabaliwan ko. Itago sa pinaka-safe na lugar!
Carol: ha? Bakit ba? At bakit natataranta ka?
Dev: papunta na kami diyan, as in malapit na po ! diyan kami kakain!
Carol: sinong kami?
Dev: ako po at si james!
Carol: (nataranta na rin) ha? Si james? Malapit na ba kayo?
Carol: dalawang kanto nalang , ma yung bilin ko. Yung mga pix at mp ko!
Carol: oo na! eto na!
            Tinapos na ni Dev ang tawag at mabagal na bumalik sa sasakyan.
Dev: (sa dami ng pics na yun, matatagalang ang mama na tanggalin ang lahat ng yon!  Kailangan matagalan pa bago kami makarating ng bahay.)
            Lahat ata ng pampasagabal ay ginawa na ni dev, napilitna pa siyang bumili ng gamot sa Mercury drug para lang maalintana ang pagpunta nila sa kanilang bahay. Pero wala na siyang nagawa ng sinabi ni James na nagugutom na ito.
            Pagdating nila sa bahay ay naabutan pa nila na kakalabas pa laang ng kwarto ng pinsan niyang si Eslove na may dalang kahon.
Eslove: insan! Mission accomplished! Wala ng ebidensiya! Kahit SOCO, walang makikita!
            Pinandilatan naman ito ng mata ni dev.
James: mission? Evidence?
Dev: ha? Wala yun ! praning yan eh !
            Nagngitian na lamang ang silang dalawa hanggang sa sila’y kumain na. Kasama nina Dev at James sina Aling Carol at Eslove.  Nakailang stick si James, dilamang ng BBQ, kundi pati isaw at adidas, isama pa ang betamax na nagging paborio nito.
            Aliw na aliw sina Eslove at Aling Carol kay James, di kasi ito mare sa pagkain, puro pa nga papuri ang inabot ng paninda ni Aling Carol.  Masarap ding kausap itong si James, kahit pa nga na nosebleed ang tatlo, lalo na sa mga jokes nito.
            Inaya pang muli ni James ang tatlo na magtungo sa malapit na park roon, ngunit din a sumama sina Aling Carol at Eslove, pinagtulakan pa nga ng mga ito si Devon na sumama.

            Naupo sila sa magkaharap sa swing, tuwang-tuwa si Devon sa bawat paggalaw ng swing na parang bata.
James: you know what, at first, I thought you’re snob.
Dev: snob? Ako?
James: yes, coz everytime we practice chess, you never looked at me, not even a glance.
Dev: [kala mo lang yun! Eh tuwing andun ka, ikaw lang ang nakikita ko]
            Ganon ba? Baka di ko lang napasin na nandoon ka.
James: yeah, you may be right. But it’s weird, as far as I can remember . there was a day that you place yourself at the corner of the library, quietly reading a book.  I was watching you that time, but I didn’t notice you taking pictures of me.
Dev: ha? Pictures?
James: (nakangising nilabas ang 3 pictures na kinunan ni dev sa iisang pagkakataon)
            These. You have the talent. And the choice of model, you have  a great taste ha :D
CHAPTER 5
            Hindi naman makapagreact si Devon sa mga litratong hawak ni James.
Devon: [paanong napunta sa kanya ang mga yan! Nkau po ! buking! Anong gagawin ko ?]
James: if you’re wondering where I got these, it’s inside the refrigerator, I was actually shocked, its on the chiller.
Dev:[ alam ko! Ako naglagay nun don eh! Si mama naman! Nakalimutan yun!]
James: just say it dev.
Dev: ano kasi-
James: I hope you’ll say what I wanna hera. (serious titig FTW)
Dev: ha?  ano bang gusto mong marinig?
James: that we feel the same.
Dev: ano bay un?
James: ano nga ba? (hirap man, pinilit parin magtagalog)
Dev: wala akong dapat aminin, kabaliwan lang lahat yon! Sige na, pagtawanan mo na ako.
James: why would i? I’m dead serious here dev.
Dev: ano ba kasing gusto mong sabhin ko?
James: na mahal mo rin ako .
Dev: (gulat sa narining) rin?
James: yes, rin. Coz I  you dev. Since day 1 of our college years. I’ve been in love with you for 2 years now, and counting ..
Dev: james .. (speechless sa narinig)
James: I know how stupid I am to keep it for so long dev, mahal kita. Mahal na mahal.
Dev: james .. sinasabi mo lang bay an kasi ngayon alm mo na kung ano yung nararamdaman ko sayo?
James: are you talking about the photos?
            Tumango naman si dev bilang pagsangayon.
James: alright. To be fair, I’ll show you my secret.
            At inilabas nito ang wallet at iphone nito. Picute niya ang nasa pitaka nito, picture nya noong unang araw ng klase 2 years ago. Sunod na ipinakita nito ang iphone, siy ang nasa wallpaper nito. At puro pictures nya ang laman ng phone. Mga stolen at candid shots.
James: see, we do the same thing. I just don’t put photos inside the chiller!
Dev: james … (tuwang-tuwa sa mga nangyayari)
James: is that all you can say?
Dev: ano pa bang kailangan kong sabihin, eh may ebidensya ka na.
James: I wanna hear it.
Dev: bakit pa? di mo ba nararamdaman.
James: (ngumit ng ubod ng tamis) I do. But I doubit it at first coz you8’re always mad at me.
Dev: panlinlang lang yun !
James: so …
Dev: ano?
James: rin?
Dev: (napangiti) rin! Rin! Rin!
            Sobrang saya ng niyakap ni James si Devon, ikinandong niya ito sa kanya at mahigpit na niyakap saka bumulong.

James: mahal na mahal na mahal kita!
Dev: mahal na mahal na mahal RIN kita!
            Galak na galak ang dalawa, matagal din silang magkayakap, di alintana ang ilaw na nagmumula sa camera mula sa di kalayuan.

CHAPTER  6
            Buong gabi silang magkasama ni James, unang gabi bilang magnobyo.  Kung hindi pa niya pinilit na umuwi ito, di pa aalis si James.  Ngunit bago pa siya makatulog, tumawag ito sa kanya, bakas sa tinig nito na galling ito sa pagiyak, tinanung niya kung bakit, ngunit di ito sumasagot.
James:  ney, always remember that I’m doing this because I  you so much. I  you more than you’ll ever know!
Dev: do what ney?
James: I  you!
Dev: mahal din kita. Higit pa sa sobra!
James: I know … you should go to sleep now ney, goodnight . I  you!
Dev: nyt nyt din. See you tom!
James: I  you. I  you! Mahal na mahal kita !
Dev: oo na po! Sige na nyt!
James: I really  you. I’ll always will. FOREVER!
Dev: opo ! bye na ney! Love you!
            At doon na nga natapos ang paguusap nila. Di niya alam na nang gabi ding iyon, nakatadhanang masaktan ang dalawang pusong minsa’y nagisa.
            Dalawang linggo nang di nakikita ni devon si James.  Hindi kasi ito sumama sa Legazpi para maging coach niya, dir in siya pinapayagang makapasok sa executive room ng banda.  Umuwi man siyang kampeon sa chess, di magawang magsaya ni dev.

Dev: ano bang nangyayari sa kanya? Bakit pati mga tawag ko, di niya sinasagot. Kahit txt, wala! 
Fret: kayo ba talaga?
Dev: nalalabuan na rin ako bessy, isang gabi lang, pagkatapos nun, parang habang buhay na siyang mawawala sa akin.
Fret: wag kang ganyan bess, may dahilan si James kung bakit ganito kayo ngayon?
Dev: anog dahilan? Bakit di ko alam?

            Tuluyan ng napaiyak si dev, niyakap naman siya ni fret, at sa pintuan ng student council kung san naroon ang dalawa, ay may isang binatang nais takbuhin ang distansiya sa dalaga at yakapin ito. Ngunit di pa niya kayang gawin, lumuha rin ang binatang si James at nilisan ang lugar bago pa may makakita sa kanya.

            Isang linggo pang muli ang lumipas, wala paring balita si dev sa kanyang nobyo.  Pumasok siyang matamlay at kagagaling lang sa pag-iyak, di niya inaasahan ang major event na gaganapin sa Auditorium ang dudurog sa napilas niyang puso.

            “its destiny that will keep us together: the james rod and ann lim engagement”

            Hindi malaman ni Devon ang gagawin, nasa harapan siya ng auditorium ng bumukas ang pinto nito, andoon ang lahat, si ann, ang anak ng president eng Chinese community na abalang nakikipagkamay sa mga bumabati sa kanya, at si james, na titig na titig sa nakatulalang si Devon.
            Tumakbo si Devon papalayo sa auditorium, di niya namalayang sinundan siya ni James.
James: devon! Wait … please …

            Maramhas naming lumingon si Dev sa binata, sinalubong niya ito ng galit.  Wala namanng nakakakita dahil nasa likod sila ng auditorium.

Dev: sinungaling ka james! Sinungaling ka!
James: I’m sorry. I’m really sorry!
Devon: sorry? Hinihingan mo ban g kapatawaran na sinabi mong mahal mo ako?

            Hindi nakapagsalita si James, ayaw niyang magsinungaling , ngunit dir in siya maaring magsalita ukol sa damdamin niya, mas maguguluhan lamang si Devon.

Devon: so lahat nang sinabi mo, nung gabing yun ay pawing kasinungalingan.
James: no devon! That night was never a lie!
Dev: eh anong tawag mo dun sa engagement?
James: I need to do it ..
Dev: james! You’re making it hard for me !
James: devon.
Devon: ano bang nagawa ko?
James: wala devon, wala.

            Tuluyan ng umiyak si Devon.  Nais siyang yakapin ni James pero di niya maaring gawin.
Devon: ano ba talaga james?

            Nasasaktan na si James na nakikitang lumuluha ang tanging babaeng minahal niya at mamahalin niya.

James: devon, it’s just that… you can’t do what I can do –
Dev: anong?
James: (wala nang maisip na idadahilan) you can’t do what I can do! You can’t sing. You can’t dance. Those kind of thing! It only means we’re not meant for each other!
Dev: dahil lang don?
James: yes ! (kinailangan niyang gawin iyon. Para din a umasa pa si devon, at sobrang nasasaktan siya dahil ditto)
I’m sorry . but we’re … over …
Devon: (nagulat sa narinig) over? Bakit James? May nasimulan ba tayo? Hindi ba ilang oras lang yun.  Kaya wala tayong dapat tapusin, dahil kahit kalian, walang tayo!

            Tumakbo na papalayo si Devon habang lumuluha.  Si james naman, hindi na alam ang gagawin kaya’t napaupo na lamang sa damuhang kinatatayuan at umiyak.

            Maya-maya’y tumulo na ang ulan, hindi man lamang ito nagbanta, basta na lamang dumilim at agad umulan.  Sinabayan ang pagluha ng dalawang taong nasaktan at patuloy na masasaktan.

*******CHAPTER 7*************
            Dalawang linggo, makalipas ng magdamag na pagbuhos ng ulan at pagdadalamhati ng dalawang puso ay ginanap sa Excelsior University ang isang singing contest, para ito sa magiging kapalit ni James na din a gusting umawit pa pagkatapos ng mapait na araw na iyon.
            Mula sa accounting dep’t ay kitang kita ni Devon ang mga taong nagsisimula nang pumasok sa auditorium para masaksikhan ang nasabing contest.
Fret: bakit di mo ipakita sa kanya?
Devon: ang alin? Kanino?
James: kay james, na you can do what he can do. Wala naming may alam ng tunay mong talents maliban sa chess at talino mo dito sa univ.
Dev: sinasabi mo bang sumali ako sa contest?
Fret: ganon na nga? Balita ko pa, judge si ann.
Dev: mahirap kumanta nang nasasaktan.
Fret: pero kahit papaano, naiibsan ang sakit tuwing nakakanta mo ang nararamdaman mo bessy, hindi parin kasi malinaw para sa akin yung dinadahilan niya sayo. Kaya ipamukha mong you can do what he can do. Saka mo ulit siya tanungin.
Dev: para ano pa?
Fret: para maliwanagan ka rin.
            Napaisip naman si dev sa mga sinabi ng kaibigan.

            Matatapos na ang contest ay wala paring nakakapamangha sa banda kaya  naman tumayo na si James upang umalis.
Ann: where are you going?
James: the contest is done.
Ann: not yet! Meron pang isa!
James: don’t wanna hear it, they’re all the same.
            Lumakad na palayo si James ng mapahinto matapos magsalita ng host.
Host: our last contestant! Nagpahabol lang siya ha! Is from the accounting department, the national champion sa chess competition, Devon Seldiva!
            Agad lumingon si James, at naroon nga sa stage si devon, nakatingin din sa kanya, ngunit yun klase nang tingin na nanghahamon.
            Nagsimula na ang tugtog, “how could you say you love me” ni Sarah Geronimo ang awit. Umpisa pa lamang ng kanta ni Devon ay humanga na ang lahat, lalo na ng nagsimula siyang lumuha habang kumakanta.
“I can’t seem to understand!
How can love be so unkind,
Still you broke my heart, despite what I’ve done
Still my love was not enough
Though I’ve given you my all, I can’t take it anymore ohhh. Ohhh
How could you say you love me!
When you would go and leave me
When you would go and leave me
How could you make me hurt so bad
When I have loved you more than anyone can do
Can't believe the pain
That I'm feeling now because of loving you …

            Nagpapalakpakan na ang lahat kahit di pa tapos ang kanta, binigyan nila ng standing ovation si devon, napakaganda talaga ng tinig niya, maraming  nagkomento na mala-anghel ang boses nito.
            Habang si James, oo at humanga siya sa ganda ng boses ng minamahl niya, ngunit mas nangingibabaw ang nadarama niyang sakit ng kalooban ni devon habang umaawit ito, para bang puso nito ang umiiyak sa bawat salita ng liriko.
James: [ I know you can sing… I just cant say it]
            Sa loob ng excelsior band room ay di parin maka-get over si Ann sa ganda ng boses ni Devon, na tulad ng inaasahan, na nanalo sa contest.
            Ann: grabeee! Hanggang ngayon, nakataas parin ang balahibo ko. Parang narinig kong kumanta si Yeng at Sarah sa iisang boses! Devon Seldiva is really amazing!

            Wala naming nagkomento sa apat na binata. Sina bret, ivan at ryan ay nakatingin lamang kay James na tahimik na tinutugtog ang “tears in heaven” sa gitara nito. Alam na ng apat ang lahat ng saloobin ni James. Nalaman nila ito matapos nilang hanapin ang binata sa gitna ng malakas ng ulan.  Naabutan nila itong nakaupo sa damuhan at lumuluha sa likod ng auditorium.

            Noong araw na iyon, unang pagkakataon ng 3 na makita itong umiiyak, nasasaktan at kailangan ng karamay.

Ann: nakadagdag din sa intense ng kanta yung pag-iyak niya, na-feel ko na nasasaktan siya, sobrang sakit kaya napaiyak siya.

            Lalo naman tumahimik ang kwarto, napahinto rin kasi si James sa pagi-gitara.

Ann: (napansin ang katahimikan) guys! Bakit lahat kayo parang takot magingay? Ganito ba kayo ditto?
Ivan: no, we just don’t know what to say.
Ryan: (matamlay) yeah … ivan is light .. today, we’re speechless ..
Ann: pero humanga rin kayo kay devon diba ?
Bret: of course, and she’s the reason of our silence.
Ann: huh? Bakit naman?
Ivan: her voice made us speechless, yeah, that’s it. (agap naman ni Ivan)
Ann: sabagay, kanina nga halos lahat ata nakanganga habang kumakanta siya! (tuwang tuwa parin sa nasaksikhan) buti nalang kinuha ako bilang judge, perfect score ang binigay ko pati yung 2 pang judges.
            Muli, walang umimik sa apat kaya umupo na lamang si Ann at kumanta ng awitin kanina ni devon.
            How could you hurt me this way, everything I do is lovi –
            Di na natuloy ang awitin ng tumayo bigla si James at nagsalita.
James: will you stop it!
            Lumabas na ito ng kwarto at naiwang gulat si ann.
Ann: bakit galit yun? Ganun ba kapangit boses ko?
            Sabay-sabay naman yumuko ang tatlo at di umimik.
Ann: you guys are really weird!