Tuesday, September 14, 2010

CHAPTER 12

       Ilang araw bago ang pag-alis nina James patungong Australia ay sinadya ng pamilya dela Serna sina Lacey sa mansiyon ng mga Rod.  Nagkausap na sila tungkol sa mga pangyayari, naging napakalungkot at isa narin sa pinkamasayang sandali ito ng dalawang pamilya.  Nagkapatawaran na sila, nagsimula nang maliwanagan ang isip ni Mrs. Rod mula pa nang gabing itanong sa kanya ng anak kung hindi pa ba ito sapat para malimutan niya ang mapait na nakaraan. 

            Ngunit minabuti parin ni Mrs. Rod na tumungo ng Australia, kailangan nito na umpisahan ang panibagong yugto ng kanilang buhay.   At di naman nais iwanan ni James ang ina kung kaya’t sasamahan niya ito at dun na tatapusin ang pagaaral.  Sisimulan na rin nitong pagaaralan ang pagpapatakbo ng negosyo nila, and he’ll start at the main office of the Rod’s empire located mismo sa Sydney.

************************

            Sa parke, kung saan nagsimula ang lahat, nanatiling tahimik ang dalawang tao na di kayang magpaalam sa isa’t isa.  Hanggang sa basagin ni James ang katahimikan.

James: I don’t know how long it’ll take me to be familiarized in managing our business after graduation. I want mom to settle her self and enjoy her life.  I am very happy that she doesn’t feel any hatred in her heart, not anymore.

Devon: masaya din ako na nagkaayos na ang pamilya natin.  Tamang samahan mo ang mommy mo, kailangan niya ring magsimula muli…

James: tulad natin … but it’ll take so much time ..

Devon:  don’t think of the time James,  mabilis lang bawat sandaling hihintayin ko, tama .. hihintayin kita , kahit gaano pa katagal.

            Hinapit ni James ang katawan ni Devon at kinabig patungo rito, niyakap niya ito ng sobrang higpit.

James: I’ll be back .. I love you Devon.  No one can ever replace you in my heart.

Devon: mahal din kita James .  andito lang ako maghihintay.

            Niyuko ni James ang pagitan ng mga labi nila ni Devon and gave her a gentle kiss.

James: that’s our love’s seal.

Devon: and will be kept here, forever! (sabay turo sa sariling dibdib)

**************************

            Magkalayo man ay di naputol ang ugnayan ng dalawa.  Lagi silang magkausap, kung di sa telepono ay gamit ang computer.  Lagi rin siya nitong pinapadalhan ng mga packages at bulaklak.  Sa lahat ng mahalagang okasyon sa kanyang buhay ay di nawawala ang mensahe nito sa kanya.  Ang mommy nito ay pabalik-balik na lamang ng pilipinas at Australia matapos ng Graduation ni James, si James naman naging abala sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya.  Magaan ang loob ni Devon kay Mrs. Rod, tinuturing na nga siya nitong anak.  Maraming beses din itong humingi ng tawad sa kanya sa mga nagawa nito noon. Ngunit lahat ng yon ay tapos na, kaya masaya na ang dalawang pamilya, kahit pa nga may isa na malayo sa kanila sa tuwing nagkakasiyahan sila.

***********************

            Mula nang umalis si James sa bansa ay si Devon ang humalili rito  bilang vocalist ng Excelsior band, at ngayon nga’y nagbalik sila sa dating eskwelahan para tugunan ang imbitasyon ng Dean na sila’y tumugtog para sa founding anniversary ng paaralan.

Fret: five years nap ala noh … andami nang nangyari mula nang unang beses kang kumanta in public, dito rin sa bulwagang ito …

Dev: oo nga bessy eh, tignan mo ikaw, ang laki na ng tiyan mo. Anytime pwede ka nang manganak!

Fret: biruim mo nga no, dati taga-hanga at taga-sunod lang kao ni Bret, ngayon, asawa ko na siya at baliw na baliw siya sakin. (nagtawanan silang magkaibigan)

Dev: kakaiba talaga pag tadhana na kumilos …

Ann: hey girls! (bati nito at lumapit sa dalawang magkaibigan)

Dev: ui sis! Asan na ang inaanak namin? Ba’t di mo kasama?

Ann: kasama siyempre, pero pinagmamalaki pa ng daddy niya sa mga batchmates niyo eh!

Fret: naku, yang si Ivan, pakiramdam ko matutulad si Bret sa kanya, ngayon pa nga lang eh buongh batch na namin ang may alam na kabwanan ko na ngayon! Ipangalandakan ba naman!

            And they all laugh happily.

            Si Devon namna ay tahimik lang na nasisiyahan sa kanyang paligid, mapaglaro talaga ang tadhana, sina Ivan at Ann, nagsimulang mabuo ang pagtitinginan sa mismong araw ng dance concert nila 5 years ago.  At ngayon ngay may isa nang anak na babae at inaanak nila ni Fretzie, si Ianna na magdadalawang taon na ang edad.  Ang bessy niya, si Bret ang nakatuluyan, at dahil yun sa kanila ni James.  Nung gabing pinagtagpo nila ang dalawa sa pool area ay nagtagpo rin ang kanilang mga puso, and after a year of their marriage, kabwanan na ni Fret.  Si Ryan din, may asaw na at 3 months on the way na si Kyra,  itong pares talaga ang ikinagulat nila.

            Sa banda pala ay si James na lang ang hindi pamilyado.  Di man ito pumalya sa kanilang communication ay iba parin kung nasa tabi niya ito.  Pinili nilang di lagyan ng commitment ang nararamdaman nilang dalawa, Malaya silang gawin ang nais, pero sa loob ng 5 taon ay walang anumang klaseng relasyong pinasukan sina James at Devon, tila naghihintay talaga ang kanilang mga puso …

1 comment: